my life in it's best! ^_^

welcome to my blog, once you've entered my blog, you almost enter my life too. this site is kinda' weird, but still, please take time to read my post. it's fun too. hope you'll enjoy! go!

7/06/2006

Mis kol


Nakakatuwa mang isipin kay babaw ko naman,
para kiligin sa'yong pagpaparamdam.
Tila isang batang naghihintay na pansinin,
naghihintay sa isang tabi kung ako'y tatawagan.
Ni hindi mo man sagutin alam kong maylihim na pag tingin!

Isang mis kol mo lang,
ako'y nabubuhay sa isang pangarap
kahit simple lang,
Isang mis kol mo lang,
meron mang kabaduyan,
nguni't ito ang aking nararamdaman!

Nakakainis mang isipin
nagmumuka na pala akong tanga
para maniwala at umasa sa aking mga haka-haka,
na ikaw ay may nararamdaman rin para sakin,
sa bawat oras na pagtawag mo
na ng walang dahilan!

Isang mis kol mo lang,
ako'y nabubuhay sa isang pangarap
kahit simple lang,
Isang mis kol mo lang,
meron mang kabaduyan,
nguni't ito ang aking nararamdaman


Siguro nga oras ay humahanap ng tamang panahon,
ng dahil sa iyong pagpaparamdam,
doon ako masaya,
kahit minsan lang!

0 Comments:

Post a Comment

Subscribe to Post Comments [Atom]

<< Home